“Galing sa Piki na Iglesia – Bumalik sa Tunay na Iglesia”

“Galing sa Piki na Iglesia – Bumalik sa Tunay na Iglesia”

 

Ni Bro. Elesio E. Espinosa

 


Date Interview:                 August 26, 2011

Place: Catholic Faith Defenders’ Bible Study room (Near Ozamiz Cathedral)

Interviewed by: Bro. G-one T. Paisones

Declaimer: The language used during the course of interview was Visayan; indeed there were additional or reduction of words in translating the Visayan language to the Tagalog language.  But the essence and fundamental tenor of the message is well maintained and standardized.

 


Ako si Elesio E. Espinosa; isa pong protestante; at ng dahil sa pag attend ko ng mga Bible studies at seminars ng mga Catholic Faith Defenders dito sa Ozamiz na pinapangulohan ni kapatid na Wendell Talibong. Natuto po akong yakapin ang katutohanan at naimulat ko ang aking kaluluwa na ang aking nakamulatang iglesia (Born-again) at ang kasalukuyan kung kina-aaniban (Church of Christ-USA-) ay pawang itinatag lang pala ng pangkaraniwang tao.  Sa ibaba po ay ang istorya ng aking buhay bilang protestante at hanggang sa kasalukuyan bilang Katoliko.


Brother G-one T. Paisones and Brother Elesio Espinosa


Ako ay isinilang sa isang maligayang protestanting pamilya.  Noong walong taong gulang palang ako; naaalala ko pa ang masayahin naming buhay bilang isang kasapi ng Born Again Christian.  Kunti lang kami noon, kaya hindi lumaon lumipat po ang tatay ko sa ibang relihiyon.


Nang ako ay 16 taong gulang; nag desisyon ang ama ko na sumapi sa relihiyong Church of Christ.  Nang dahil sa kamurahan ng edad ay sunod lang kaming lahat (pamilya) sa ama namin.  Na bautismuhan o nabinyagan po ako sa naturang sekta ng mag 17 taong gulang na ako.  Ako ay bininyagan ng mga pastor ng Church of Christ(USA) sa Anex sa Manabay, Ozamis City sa dagat.  At simula noong panahon na iyon ay parati na akong sumasali sa mga activities ng pangkat at syempre kasama na riyan ang pagsasamba.


Nang nasa tamang edad na ay na pag decisionan kong magpakasal.  Ang asawa ko ay isang Katoliko ngunit aking inigiit na sa Church of Christ(USA) kami dapat ikasal at hindi sa Katoliko (dahil akala ko noon na mali ang mga doctrina ng Katoliko).  Ikinasal po kami sa simbahang-bahay sa Maningkol, Ozamiz City.


Masaya naman ang pamilya namin; hanggat natiktikan ko ang mga masasamang gawain ng mga pastor sa naturang sekta.  Sa edad kong 28 hanggang 30 ay naging inactive po ako sa grupo namin sa Church of Christ(USA).  Sa naturang masasamang gawain ng mga pastor ay hindi lamang ako ang tumigil sa pag-samba; kasama narin ang ibang meyembro na hindi na nagsisimba sa kanilang simbahan.


Nang mag 40 taong gulang ako, ay ipinagpasya kong magsimba sa simbahan ng Katoliko.  At nang nalaman ko na may Bible study rin pala ang Katoliko, ay hindi ako nag-aatubiling pumunta sa naturang programa.  Nagsimula akong nakinig at sumali sa Bible study class ng mga Catholic Faith Defenders noong 47 taong gulang na ako.  Ngayong 49 taong gulang na ako ay wala paring kupas ang pag dalo ko ng mga Bible lectures at seminars ng mga Catholic Faith Defenders.


Ngayong desididong-desidido na ako na hindi na kailan man ako lilipat ng ibang iglesiang itinatag lamang ng pangkaraniwang tao.  Hinding-hindi ko iiwanan ang pagiging Katoliko dahil dito ko nakita at naramdaman ang Panginoong Dios na talagang nandirito sa puso at kaluluwa ko.  Kaya naman nag decide po ako na mag pa binyag sa Katoliko para mapasalamatan ko ang Dios dahil sa wakas natagpuan ko narin ang KATUTOHANAN.

 


Nagpapasalamat po ako sa mga Catholic Faith Defenders (Ozamiz Chapter) na pinangungunahan ni kapatid Wendell Talibong at lalong lalo na sa Panginoong Dios na naging gabay ko para tahakin ang tamang landas ng buhay.


Maraming salamat po………….

 

One thought on ““Galing sa Piki na Iglesia – Bumalik sa Tunay na Iglesia”

  1. may god bless us the father the son and the holy spirit.
    its a blessing that you finally found that a centuries old church (roman catholic church) is
    our true religion without disrespect to other christian church, roman catholic chruch is
    the true philippine church until americans came and other christian sect roam the philippines
    and i believe you have just return to your true church and i guess the religion of your great great grand parents is roman catholic. virgin mary will always look at your children as how he look at jesus christ.

    Brother bless you always

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

This blog is kept spam free by WP-SpamFree.