Bakit ang mga Katoliko Tumatawag ng mga Santo sa Kanilang Dasal?

Bakit ang mga Katoliko Tumatawag ng mga Santo sa Kanilang Dasal?

(Unang bahagi)

Ni Bro. Noel D. Paisones Sr.

CFD / CFLAMP

Mga Kapatid tatalakayin natin ang mga tanong ng mga hindi Katoliko tungkol sa pagtawag natin sa mga Santo.

Protestante: Bakit ba sa mga pag dadasal ng mga Katoliko, sila ay tumatawag sa mga Santo na ayon naman sa banal na Kasulatan na mababasa natin sa “Gawa 10: 43 na ang mananalig sa kanya ay tatanggap ng kapatawaran sa pamamagitan ng Kanyang pangalan .

Sinong pangalan na tayo ay mananalig at tatanggap ng kapatawaran sa mga Santo ba? Hindi dahil ayon sa Roma 10:13 “Maliligtas ang lahat ng tumatawag sa Pangalan ng Panginoon.” Ay hindi pala sa mga SANTO tayo tatawag kundi sa pangalan ng Panginoon. At ang Panginoon na ito ay si Jesu-Cristo (Gawa 10: 36). Ang tanging tagapamagitan lang ng Dios at sa tao ay si Jesu-Crosto (1 Tim. 2:5). Kaya hindi kami humihingi ng ano mang tulong sa kahit na sinong mga Santo.

SAGOT (Catholic Faith Defender): Mga Kapatid tatalakayin natin ang sagot at tunay na aral ng Santa Iglesia Catolica tungkol sa pagtawag natin sa mga Santo.

Ang Santo ay salitang Katsila at sa salotang tagalog ito ay BANAL (At sa Cebuano ito ay “BALAAN”).

Bakit ba tayo tumatawag sa mga Santo o Banal? Tumayawag tayo sapagkat Mga Kastoliko lang ang may mga Santo peru sa mga Protestante wala pa maski isa ang naeproklama nila bilang isang santo.

Mga kapatid pakakatandaan na ang tunay na Iglesia ay ang Iglesia ng mga Santo (1 Cor. 14:33). Ang Iglesia na itinatag ng ating Panginoong Jesu-Crsito ay ang Iglesia ng mga Santo at ang Iglesia na ito ay may mga Santo. At Sino ba ang Iglesia na may mga Santo??? Ang Protestante ba? Ang Iglesia ni Cristo(Mnalo) ba? O Ang Iglisia Catolica?

Mga kapatid kaya nga tayo inaataki ng ibang religion dahil tayo ay may mga Santong mahihingan ng tulong.

Kaya mga kapatid ang isa sa mga dahilan na ayaw tumawag ng mga Protestante sa mga Santo dahil wala silang Santo.

Ang tatagin daw nila ay si Jesus lamang at hindi sa kahit na ano at sinong mga Santo; eh hindi pala alam ng ating mga Kapatid na mga Protestante na si Cristo mismo ay Santo (Basahin po ang Lucas 1:35, Gawa 4:27,30).

Mga kapatid may maitatanong tayo sa mga kapatid nating mga Protestante na “May mababasa ba sa Biblia letra-4-letra na “hindi tayo hihingi ng tulong sa mga Santo”. Kung sino mang Pasto na makapagbibigay sa akin ng Chapter at verses sa Biblia letra-4-letra na “hindi tayo hihingi ng tulong sa mga Santo” lilipat ako sa kanilang religion at iiwanan ko ang pananampalatayang katoliko.

Ang tunay na turo ng Santa Iglesia Catolica na mababasa natin sa Biblia ay narito sa Job 5:1 (KJV) “Call now, if there be any that will answer thee; and to which of the saints wilt thou turn”? Kapatid malinaw na isinasaad sa Biblia na ipapatawag tayo sa mga Santo. Bakit po ba tayo ipapatawag; sapagkat ayon sa Proverbs 15:29 “The LORD is far from the wicked: but he heareth the prayer of the righteous.” Kaya malinaw po mga kapatin na ang taong masama ay hindi pinapakinggan ang kanilang mga dasal; at sa mga Santo o “righteous” nakikinig ang Dios. Eh sino po ba sa atin ang hindi masama? Ang mga Santo ay tiyak na papakinggan ng Dios (Heb. 12:22-24).

Tulad ng sa mga kaibigan ni Job nang sila ay dumiritso sa Dios Sila ay sinabihan ng Dios na kay Job sila pupunta. Paki basa lang po ang Job 42:20-21.

1 Hari 17:20-21 Si Elias na nagdasal pasa sa isang namatay na bata, dahil sa kanyang maintim na pagdarasal sa Dios ito ay sinagot ng Dios.

Abangan po ang ikalawang bahagi ng artikolong ito.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

This blog is kept spam free by WP-SpamFree.