Iglesia Catolica – Sumasamba Ngaba ng Larawan_Part3

Iglesia Catolica – Sumasamba Ngaba ng Larawan?

Ikatatlong Bahagi

(Ni Bro. G-one T. Paisones, CFD/CFLAMP)

 

(Note: Ang Pula ay katwiran at tanong ng mga protestante; at ang Berdi ay ang sagot logical at biblical ng may akda)

 

2.5 Siya ang Inyong Pakinggan: Sinasamba ang larawan?

Protestante:

Sabi ng aklat Katoliko na may pamagat na “Siya ang inyong pakinggan (Mahalagang Aklat sa mga Nagtuturo ng Katesismo)” sa pahina 12 ganito ang nakalagay “Kung ating SINASAMBA ang LARAWAN ni Kristong napapako sa Krus, dinadasal natin: “SINASAMBA kita at pinupuri, Panginoong kong Jesukristo, na dahilan sa inyong Santa Krus ay sinakop mo ang daigdigan.”

Napakalinaw po na sinasabi na SINASAMBA ang larawan; sng tanong ngayon, sino po ang nagsasabi ng totoo, ang may-akda ba ng aklat katoliko na nagsulat na SAMBAHIN ANG LARAWAN, o ang mga Catholic Faith Defenders na nagsasabing hindi sinasamba ang larawan nilang mga Katoliko?

 


SAGOT #5:

Maganda ang tanong mo kapatid!  Parang animoy sinupalpal mo kaming mga Catholic Faith Defenders (CFD) dahil iginiit mong kami ng mga CFD ay nagsasalungat sa sinasabi ng may akda ng “Siya ang Inyong Pakinggan”; ngunit ang istilo po ninyo ay laos na (sa Cebuano pa: Panahon pa na ni mampor inyong style). Bakit po ba natin sinasabing laos na?  Sapagkat ganyan talaga ang kanilang mudos operande na mag quote ng mga text o mensahi sa aklat Katoliko ngunit hindi po nila ibinibigay ang lahat ng laman nito.  Tulad nalamang ng nabanggit sa ating kapatid na may akda sa aklat na nagsasabing “Sinasambahin ang larawan ni Kristo…” – ITO PO AY PINUTOL NILA AT HINDI NILA TINAPOS ANG PAGBIGAY NG PAHAYAG KUNG ANO BA TALAGA ANG IBIG SABIHIN NG MAY AKDA.

Bakit ba natin sinasabi na pinutol nila?  Sapagkat kung atin lamang tatapusin pagbasa ang aklat na “Siya ang Inyong Pakinggan” sa pahina 116 ganito po ang nakalagay “HINDI PAGSAMBA sa anito o sa diosdiosan ang lumuhod at dumalangin sa harap ng mga larawan, sapagkat HINDI TAYO DUMADALANGIN SA MGA LARAWANG BATO O PAPEL, kundi kay JESUCRISTO at sa mga santo at ang papering ibinigay natin (naglalagay ng mga bulaklak at sinisindihan ang mga kandila sa harapan nila.) sa mga larawan, ay HINDI NATUTUNGKOL SA BATO O SA KAHOY O SA PAPEL, KUNDI KAY JESUCRISTO at sa mga santo sa siyang nalalarawanan sa kanila.” (Emphasis added)

 

Napakalinaw po na sinulat rin ng may akda ng “Siya ang Inyong Pakinggan” na Hindi natin sinasamba ang mga larawan (bilang Dios); eh bakit po ba sinambit ng may akda ng naturang aklat na “Sinasamba ang larawan..?”  Ang ibig sabihin po ng may akda sa kanyang isinulat na “Sinasamba ang larawan ni Kristo…”

SAGOT PO DIYAN: ay ang PAGSAMBA PO diyan ay hindi ibig sabihin na sinasamba ang larawan bilang Dios, bagkus ang ibig sabihin po nito ay ang paggalang NITO at narito po ang ating ebidensya:

 

Dan. 2:46 (Ang Biblia-KJV Cebuano Translation) { Unya si hari Nabucodonosor mihapa, ug misimba kang Daniel, ug nagsugo nga siya halaran nila sa usa ka halad sa maamyon nga kahumot.} Si Hari Nabucodonosor ay sumamba kay Daniel.

Dan. 2:46 (Douay) “Then king Nabuchodonosor fell on his face, and worshipped Daniel, and commanded that they should offer in sacrifice to him victims and incense.”

Rev. 3:7-9 (Maayong Balita Biblia) Ang anghil ay ipina-samba ng Dios

Gen. 19:1-2 (Douay) “And the two angels came to Sodom in the evening, and Lot was sitting in the gate of the city. And seeing them, he rose up and went to meet them: and worshipped prostrate to the ground.”

Joshua 5:13-14 (Ang Biblia-KJV Cebuano Translation)Ug nahitabo, nga sa didto si Josue duol sa Jerico, nga siya miyahat sa iyang mga mata ug mitan-aw, ug ania karon, sa iyang atubangan may usa ka tawo nga nagtindog ug nagbitbit sa iyang kamot ug usa ka espada nga hinuso sa sakob; ug si Josue miduol kaniya, ug miingon kaniya: Kadapig ba ikaw namo kun sa among mga kaaway? 14Ug siya miingon: Dili; apan ingon nga principe sa panon sa kasundalohan ni Jehova, mianhi ako karon. Ug si Josue mihapa sa yuta ug misimba, ug miingon kaniya: Unsa ba ang isulti sa akong agalon alang sa iyang sulogoon?”

Joshua 5:13-14 (Douay) And he answered: No: but I am prince of the host of the Lord, and now I am come.  Josue fell on his face to the ground. And worshipping, said: What saith my lord to his servant?

 

 

Ang pagsamba po na nasaimbit sa talata ay tinatawag na veneration o ang paggalang.  Eh ito po ba ay salungat na ang Dios lamang ang dapat sambahin (Mat. 4:10)?  Hindi po, sapagkat magkaiba po ang meaning ng bawat word na pagsamba at it ay ang mga sumusunod:

 

LATRIA = A form of worship that is due only to God alone; it is the highest form of worship (Mat. 4:10; Deut 6:13).

 

DULIA = A form of worship that is due to the saints, angels and Mother Mary (Hyper Dulia) as the means of respecting them; not to exceed in our homage to God alone (Dan. 2:46; Joshua 5:13-14; Rev. 3:7-9).

 

Ang atin pong conclusion ay ganito; nang sabihin ng may akda na na “Kung ating SINASAMBA ang LARAWAN ni Kristong napapako sa Krus” ay isang Dulia lamang na pagsamba o isang respito at hindi ito pagsamba na tinatawag nating LATRIA dahil ayon rin sa may akda na “HINDI TAYO DUMADALANGIN SA MGA LARAWANG BATO O PAPEL” na ang sentro naman ng kanyang topiko ay ang pagsambang Latria o ang pagsamba na para lamang sa Dios.

 

Ano ba ang ating mga ibat ibang patunay hingil sa ating mga contention na may dalawang uri ng pagsamba (Latria at Dulia)?  Mayroon po at ito ay ang mga sumusunod:

 

Worship = Reverence or homage offered a person because of his excellence.  We adore God because of His infinite uncreated excellence (see Latria); we venerate Our Lady and the saints because of the manifestation of God’s excellence in them (see Hyperdulia; Dulia).  No person or thing should take the place of God, or be honored in a manner due to God alone, for this is idolatry, which God forbade.  All worship not directed to God Himself must be subordinate to Him (Ex. 20:3-5; Deut. 5:9; John 4:22). {Encyclopedic Dictionary of the Bible; Harmony Media, Inc.; PO Box 138; Gervais, OR 97026 USA}

 

Worship = The honor, reverence, and homage put to superior being or powers, whether men, angels or God.  The English word means “worthship” and denotes the worthiness of the individual receiving special honor. (NIV Compact Dictionary of the Bible; page 631; The Zondervan Corporation-OMF Literature Phil.)

Samakatuwid hindi po nagkasalungat ang pahayag ng may akda sa naturang aklat; bagkus ang pagsamba po pala ay dalawang uri; ang isa ay ang paggalang, at ang isa ay ang pagsamba na pinakataas o pinakahigit na pagsamba at paggalang; at nabangit na po natin ang mga citas na nagpapatunay sa mga bagay na hingil dito.

 

———

2.6 Totoong imahi ni Cristo?

Protestante:

Ang mga imahi o larawan ba ni Cristo na nasa simbahan ninyong mga katoliko; yan ba talaga ang imahi ni Cristo? At bakit iba-iba?

 

SAGOT #6:

Maganda ang tanong ng ating kapatid; at direkta nating sasagutin ang katanungan niya.  Ang mga imahi na matatagpuan sa simbahang Katoliko ay representasyon ni Cristo; halimbawa baga nito ay ang palabas o movie ng Talambuhay ni Cristo na gawa ng mga kapatid natin na protestante, totoong Cristo bayan? Hindi, sapagkat iyan ay taohan lamang ng isang pelikola; ang importante kasi dito ay ang mensahe, reflection at impact nito sa mga manonood o nagsisimba.  At dapat nating malaman na may larawan si Cristo, narito ang mga ebedensya:

Juan 1:1,14; Tito 2:13; Roma 9:5 Si Cristo ay Dios

Col. 1:15 Si Cristo ay ang imahi sa Dios (Ama) na hindi makikta <emphasis added>

Gen. 1:26 Tayong mga tawo ay larawan ng Dios

 

Ano ang larawan ni Cristo??? Kundi tayong mga tao; at pakatatandaan natin na ang Iglesia Catolica ay may kapangyarihan na ibinigay sa kanya ng Dios; at ito ay ang pag bind at loose (Mat.16:18; 18:18; Juan 21:15-17).  Kaya may authority ang Iglesia Catolica sa pagpagawa ng imahi o larawn na representasyon ni Cristo.

At pakaiisipin natin na ang simbahang Katoliko ay ang simbahan na kayang maitokoy ang continuation nito hanggang sa panahon ng mga Apostol.  At ang paggamit ng mga simbolo o imahi ay ginagawa na ng mga Kristiyano, sa unang siglo ng panahon ng Kristiyanismo.

 

The Church’s re-appropriation of many ancient symbols came with the accidental rediscovery of the Roman catacombs in 1578. Faithful Catholics saw the event as providential.

Much of Europe had fallen under the spell of Protestant doctrine, with its radical reinterpretation of early Christian history. Yet the first reports from the catacombs told of chambers that looked and felt like Catholic churches. First of all, there were sacred images on the walls. (Mike Aquilina; pages 12-19; 2009; This Rock Magazine)

 

Napakalinaw po na; sa catacombs ay matatagpu-an ang mga symbols or images ng ibat ibang bagay na nag re-representa ni Cristo; Holy Spirit; at iba pang mga symbolo.

At bakit iba-iba; eh marami pong dahilan; tulad natin, may iba iba naman tayong mukha noong tayo ay bata pa at hanggang tumanda na; at iba-iba rin ang may gawa na ayon sa interpretasyon o gusto ng may akda, o nagpapagawa na may authority sa Iglesia.

 

——

2.7 Ano ang Basihan?

Protestante:

Anong basihan ninyong mga Katoliko na ang mga imahi o larawan ninyo ay ang larawan na pinag-utos ng Diyos?

 

SAGOT #7:

Salamat sa tanong; ano ba ang basihan ng ating doctrina (Catholic) hinggil sa mga imahi; eh madali lang po ang sagot:

UNA: Ang Iglesia Catolica ay ang Simbahan o Iglesiang itinatag ni Cristo doon sa Herusalem at nang lumaoy lumaganap ito – kaya tinatawag na Catholic; ang isa sa mga lugar na ito ay ang Roma.  Doon sa Roma, marami tayong ebedensya na nag papatunay na ang mga unang Cristiano doon ay gumagamit ng mga imahi at ibat-ibang simbolo sa kanilang simbahan ang Catacomb o ang libingan ng mga sina-unang Cristianong naging martir sa kamay ng paganong emperador ng Roma.  Narito po ang ebedensya:

The Church’s re-appropriation of many ancient symbols came with the accidental rediscovery of the Roman catacombs in 1578. Faithful Catholics saw the event as providential.

Much of Europe had fallen under the spell of Protestant doctrine, with its radical reinterpretation of early Christian history. Yet the first reports from the catacombs told of chambers that looked and felt like Catholic churches. First of all, there were sacred images on the walls. (Mike Aquilina; pages 12-19; 2009; This Rock Magazine)

 

PANGALAWA: ang Iglesia Catolica ay ang simbahan na itinatag ni Cristo (Mat. 16:18; Roma 16:16-20); at itoy binigyan Niya ng autoridad para gawin ang nararapat (Mat. 16:17-19; Mat. 18:18; Juan 20:21-23).  Dahil sa alam ng Iglesya Catolica na may mga imahin ipinagagawa ang Dios Exo. 25:18-22 (basi sa apostolic tradition 2: Tes. 2:15); sinunud lamang nito ang physical settings ng structural na templo ng Dios na may mga imahi ng mga anghil.  Kaya may mga imahi ng mga anghil sa Simbahang Katoliko sapagkat ang structural temple of God nito ay nahahango sa structural temple of God sa Old testament.  May babasa ba na ebedensya?  May roon po:

Heb. 9:2-5 “For a tent * was prepared, the outer one, in which were the lampstand and the table and the bread of the Presence; * it is called the Holy Place. 3* Behind the second curtain stood a tent * called the Holy of Holies, 4* having the golden altar of incense and the ark of the covenant covered on all sides with gold, which contained a golden urn holding the manna, and Aaron’s rod that budded, and the tables of the covenant; 5 above it were the cherubim of glory overshadowing the mercy seat. Of these things we cannot now speak in detail.”

Oh Ayan, napakalinaw na sa New Testament ay pinag-uusapan parin po ang mga imahi ng mga anghil o ang mga cherubim.

 

 

 

—-

2.8 Hindi kasama ang mga Santo?

Protestante:

Sa nasambit sa Biblia, ang ipinagawa diyan ay ang mga angil lang na tinatawag na cherubim; wala pong nakalagay na mga Santo. Ang tanong; saan mababasa sa Biblia na ipapagawa ng imahi ang mga santo?

 

SAGOT #8:

Ang tanong po na ito ng ating kapatid ay nag papakita na sang-ayon na siya ngayon na may mga imahi o larawan na ipinagawa ang Dios; at ito ay nagpapakita lamang na okay na sa kanya ang imahi ng mga anghil; ngunit ang mga santo ay hindi.

Dapat nating malaman na ang mga anghil ay Holy, sa Espanyol ay SANTO; at ito ay mababasa sa Biblia:

Mar 8:38 “For whoever is ashamed of me and of my words in this adulterous and sinful generation, of him will the Son of man also be ashamed, when he comes in the glory of his Father with the holy angels.”

 

At ang mga Santo ay magiging anghil:

Mat. 22:10 (RSV) “For in the resurrection they neither marry nor are given in marriage, but are like angels * in heaven.”

 

At para sa karagdagang proweba; narito po ang isang ebedensya na hindi talaga ipinagbawal ang larawan o munuminto kung ito ay hindi isang diyos-diyosan; narito ang citas ng Biblia:

 

2 King 23:15-17 (RSV) “Moreover the altar at Bethel, the high place erected by Jeroboam the son of Nebat, who made Israel to sin, that altar with the high place he pulled down and he broke in pieces its stones, * crushing them to dust; also he burned the Asherah. 16 And as Josiah turned, he saw the tombs there on the mount; and he sent and took the bones out of the tombs, and burned them upon the altar, and defiled it, according to the word of the LORD which the man of God proclaimed, who had predicted these things. 17 Then he said, “What is yonder monument that I see?” And the men of the city told him, “It is the tomb of the man of God who came from Judah and predicted these things which you have done against the altar at Bethel.”

 

 

Nasagutan po ang tanong….salamat

 

Kung gusto ninyong basahin ang pangalawang bahagi ng paksang ito; paki click ang link na ito:

 

Part 2

http://catholicfaithdefenders.com/iglesia-catolica-%E2%80%93-sumasamba-ngaba-ng-larawan_part2.html

 

Kung gusto n’yo namang pumunta sa ika-apat na bahagi ng artikolong ito; paki click lang po sa link na ito:

 

Part 4

 

 

2 thoughts on “Iglesia Catolica – Sumasamba Ngaba ng Larawan_Part3

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

This blog is kept spam free by WP-SpamFree.