Dagdag na patunay sa Purgatoryo

Dagdag na patunay sa Purgatoryo

By: Bro. Cenon Bibe Jr.

 Dagdag na patunay sa Purgatoryo

SA KATATAPOS po nating post ay ipinaliwanag natin kung ano ang PURGATORYO at ipinakita natin ang mga BATAYAN nito sa LUMANG TIPAN at sa BAGONG TIPAN.

Sinabi po natin na diyan sa PURGATORYO NILILINIS o PINATATAWAD ang mga KASALANAN sa KABILANG BUHAY.

Kahit po kasi INILIGTAS na tayo ng PANGINOON sa pamamagitan ng PAGBUBUHOS NIYA ng DUGO sa KRUS ay may mga pagkakataon na NARURUMIHAN uli ang ating KALULUWA dahil sa mga KASALANAN na ating NAGAGAWA.

Ngayon, sa ating pagpanaw sa mundong ito ay may mga kasalanan po na DALA-DALA pa rin natin. Iyan po ang mga HINDI natin NAIHINGI ng TAWAD dito.

At kahit po MALIIT na KASALANAN lang iyan ay magiging DAHILAN IYAN para HINDI TAYO MAKAPASOK AGAD sa LANGIT.

Kahit po kasi ang MALIIT na MALING GAWA ay KASALANAN.

Sabi nga po sa 1 John 5:17, “Ang LAHAT ng MALING GAWA ay KASALANAN.”

At dahil KASALANAN ang KAHIT MALIIT na MALING GAWA, magiging HADLANG po iyan sa PAGPASOK natin sa LANGIT.

Saan po makikita na HADLANG ang MALIIT na MALING GAWA o MALIIT na KASALANAN sa PAGPASOK sa LANGIT?

Sa Revelation 21:27 po ay mababasa natin, “WALANG MARUMI na MAKAPAPASOK” sa LANGIT.

So para po MAKAPASOK tayo sa LANGIT ay KAILANGANG MALINIS o MAPATAWAD ang MALIIT na KASALANAN na iyan.

Ang PAGLILINIS o PAGPAPATAWAD ng KASALANAN sa KABILANG BUHAY ay doon ginagawa sa PURGATORYO.

Ang Panginoong Hesus po ang mismong NAGSABI may PAGPAPATAWAD PA ng KASALANAN sa KABILANG BUHAY.

Sa Matthew 12:32 ay sinasabi niya, “Sino man ang magsalita laban sa Anak ng Tao ay mapapatawad, pero sino man ang magsalita laban sa Espiritu Santo ay HINDI PATATAWARIN, DITO sa PANAHONG ITO o sa DARATING NA PANAHON.”

Ang tinutukoy po riyan na “PANAHON ITO” ay ang BUHAY dito sa LUPA at ang “DARATING NA PANAHON” ay ang sa KABILANG BUHAY.

Meron pong nangangatwiran na ang ibig sabihin daw ni Hesus diyan ay “noong panahon nila” at sa “panahon sa hinaharap o sa future.”

MALI po ang PAKAHULUGAN nilang iyan.

Parang pinalalabas nila na kung may kasalanan na hindi napatawad nung UNANG SIGLO ay mapapatawad na iyon pagdating sa IKALAWANG SIGLO o pagdating ng PANAHON NATIN.

Ganoon? May EXPIRATION DATE po ba ang KASALANAN?

WALA po.

Kaya MALINAW po na ang tinutukoy na DARATING na PANAHON ay ang sa KABILANG BUHAY.

Dahil diyan ay PINATUTUNAYAN ni KRISTO na MAYROONG PURGATORYO o LINISAN ng KASALANAN.

Sa Mt 5:25-26 po ay ipinapakita uli ng PANGINOON ang IMAHEN ng PURGATORYO.

Sinasabi riyan ni Hesus, “Makipagkasundo ka agad sa umaakusa sa iyo habang papunta kayo sa hukuman, o ang nag-aakusa sa iyo ay ibibigay ka sa huwes, ang huwes ay ibibigay ka sa bantay, at ikaw ay itatapon sa KULUNGAN.”

“Tunay na sinasabi ko sa iyo, HINDI KA MAKAKALABAS DOON HANGGA’T HINDI MO NABABAYARAN ang KAHULI-HULIHANG MAMERA.”

“UTANG” po bang PERA ang tinutukoy ni Hesus diyan? O kasalanan po ba si lipunan ang tinutumbok ng talata?

HINDI po. Kung titingnan po natin ang mga kasamang talata ng Mt 5:25-26 ay makikita po natin na ang tinutukoy diyan ay KASALANAN sa KAPWA o KASALANAN sa DIYOS.

Sa Mt 5:22 pa nga po ay tinukoy ang KASALANAN na sa IMPIYERNO ang LAGPAK ng TAO?

Ngayon, SAAN po ba NAGBABAYAD ng KALIIT-LIITANG KASALANAN kapag HUMARAP na tayo sa HUWES o sa DIYOS na HUHUSGA sa ATIN?

HINDI po sa LANGIT dahil WALA pong MARUMI na PAPASOK DOON. (Rev 21:27)

HINDI rin po sa IMPIYERNO dahil WALA na pong KAPATAWARAN ang mga NAROON.

So, SAAN iyang sinasabi ni Hesus na “KULUNGAN” kung saan PAGBABAYARAN NATIN ang LAHAT “hanggang sa KAHULI-HULIHANG MAMERA” o KASALANAN?

Sa PURGATORYO po.

So, MALINAW at MARAMI po ang mga PATUNAY mula sa BIBLIYA na MAY PURGATORYO. Ang walang batayan ay ang mga pagtutol dito.

Salamat po.