Nasa Bible ba ang purgatoryo?

Nasa Bible ba ang purgatoryo?

By: Bro. Cenon Bibe Jr.

 Nasa Bible ba ang purgatoryo?

BIGYANG daan po natin ang text ng isang sumubaybay noon sa column natin sa Tumbok.

Sabi niya:
“Malapit na naman ang Undas at paboritong pag-usapan na naman ng ibang sekta ang purgatoryo. San ba sinabi sa Bible na may purgatoryo?”

Salamat po.

Ang paniniwala po nating mga Katoliko sa Purgatoryo ay NAKABATAY sa sinasabi ng BIBLIYA na may mga kasalanan na NAPAPATAWAD sa KABILANG BUHAY.

Sa 2 Maccabees 12:43-44 at 46 ay sinasabi, “Nagpakulekta siya [si Judas Macabeo] sa kanyang mga sundalo na umabot sa 2,000 drachma. Ipinadala nila ito sa Herusalem bilang alay sa ikapapatawad ng kanilang kasalanan.”

“Sa ginawa niyang ito, gumawa siya ng isang NAPAKAGALING at KAHANGA-HANGANG BAGAY hangga’t ang nasa isip niya ay ang pagkabuhay na muli ng mga patay.”

“Dahil kung hindi niya inaasahan ang pagkabuhay muli ng mga nagupo, walang saysay at kalokohan na lang ang pananalangin para sa mga namatay.”

“Kaya nga gumawa siya ng pag-aalay para sa mga patay nang sila ay MAPALAYA SA KASALANAN.”

PURIHIN ang DIYOS!

Ang pag-aalay raw po para sa IKAPAPATAWAD ng KASALANAN ng NAMATAY ay “isang NAPAKAGALING at KAHANGA-HANGANG BAGAY.”

At iyan daw po ay kaugnay sa “INAASAHAN [na] PAGKABUHAY MULI” o RESURRECTION.

So, ang PANINIWALA po sa PANANALANGIN sa PAGPAPATAWAD ng KASALANAN sa KABILANG BUHAY ay BAHAGI ng PANINIWALA ng mga UMAASA sa PAGKABUHAY na MULI.

Ang tanong po ay SAAN BA NAGAGANAP ang PAGPAPATAWAD sa KASALANAN doon sa KABILANG BUHAY?

Iyan po ay nagaganap sa PURGATORYO.

Ang PURGATORYO po kasi ay galing sa LATIN na PURGARE na ang kahulugan ay GAWING MALINIS o GAWING DALISAY.

So, ang PURGATORYO po ay kung saan NILILINIS o DINADALISAY ang KALULUWA ng isang TAO.

Bakit po kailangang LINISIN o DALISAYIN ang isang KALULUWA sa KABILANG BUHAY?

Dahil po ayon sa BIBLIYA, partikular sa Revelation 21:27, “WALANG MARUMI na MAKAPAPASOK doon [LANGIT].”

So, MALIWANAG po na MAY PURGATORYO sa BIBLIYA at ang BATAYAN nito ay parehong nasa LUMANG TIPAN (2 Mac 12:43-44, 46) at sa BAGONG TIPAN (Rev 21:27).

Pero tiyak pong kukuwestiyunin ng mga HINDI KATOLIKO ang paggamit natin sa aklat ng MACABEO.

Sasabihin nila “hindi kasama sa Bibliya ang Maccabees.”

Sa SALIN po na gamit NILA ay malamang na walang Maccabees, pero sa ORIHINAL na BIBLIYA na batay sa mga kasulatan na GINAMIT ni HESUS, ng mga APOSTOL at ng mga UNANG KRISTIYANO ay KASAMA po ang MACCABEES

Ang KASULATAN po na GINAMIT nina KRISTO ay ang SEPTUAGINT o ang GREEK VERSION ng LUMANG TIPAN.

Sa SEPTUAGINT po ay KASAMA ang MACCABEES at TIYAK na BINASA rin ng PANGINOONG HESUS at ng mga APOSTOL.

Kaya nga po mismong ang PANGINOONG HESUS ay NANGARAL na MAY KAPATAWARAN PA ng KASALANAN sa KABILANG BUHAY.

Ipinakita Niya iyan sa Matthew 12:32.

Sabi riyan ng Panginoon, “Sino man na magsalita laban sa Anak ng Tao ay mapapatawad.”

“Pero sino man ang magsalita laban sa Espiritu Santo ay hindi mapapatawad sa panahon na ito o kahit pa sa DARATING NA PANAHON.”

Ang “darating na panahon” na tinutukoy rito ay ang “KABILANG BUHAY.”

So, si KRISTO po mismo ay NAGPAHAYAG na MAY KAPATAWARAN pa ng KASALANAN sa KABILANG BUHAY.

At muli po, ang TAWAG natin kung saan PINATATAWAD ang mga KASALANAN ay PURGATORYO.

Sa PURGATORYO po kasi NILILINIS ang KASALANAN ng TAONG sumakabilang buhay na.

So, MALINAW po ang BATAYAN ng PURGATORYO sa KABILANG BUHAY.

At MALINAW rin po na ang PANINIWALA sa PURGATORYO ay MAHALAGA sa mga TAONG UMAASA pa ng PAGKABUHAY na MULI. (2Mac 12:43-44, 46)

Kaya po ang iba na ‘DI NANINIWALA sa PURGATORYO ay maaaring HINDI na UMASA sa PAGKABUHAY na MULI.